Rivermaya by Adam Martinez

23 William Adam A. Martinez

9E SY 2015-16

FIL HATID IKATLONG TERMINO

RIVERMAYA: DEKADA 90

Kapag tinanong mo ang kahit sino ukol sa musika ng dekada 90, ang [siguradong] lalabas sa kanilang mga bibig ay “Eraserheads”, “Francis M”, “Yano”, at marami pa. Ngunit kapag nabanggit mo sa kanila ang pangalang “Rivermaya”, siguradong-sigurado na hindi ka magsisisi sa sinabi mo. Ang Rivermaya ay isa sa mga nagbigay ng liwanag sa mundo ng OPM noong kalagitnaan ng dekadang ito. Kilalanin natin ang mga natatanging mga miyenbro ng banda, at ilan sa kanilang mga kantang hinahanap-hanap ng mga Pinoy, maging sa kasalukuyan.

 

 

 

 

Ang mga bumubuo sa Rivermaya ay sina Bamboo Manalac (pangunahing bokalista), Rico Blanco (gitarista, piyanista, bokalista), Mark Escueta (tambulero), Nathan Azarcon (bassist), at si Perf De Castro (pangunahing gitarista), ngunit siya’y

umalis ng banda sa napakaagang panahon (hindi po siya namatay!). Sa kasalukuyan, tanging si Mark Escueta na lang ang natitira sa Rivermaya, ngayon, bilang gitarista at

 

pangunahing bokalista. May kani-kaniyang mga proyekto sa kasalukuyan ang ilan sa kanila, lalu na sina Bamboo at Rico, na may mga matatagumpay na mga nailabas na album, pero sila’y nananatiling magkakaibigan, ay minsan pa nga’y nagre-reunion sila sa ilang mga gig.

“Ulan.” Iyon ang pamagat ng awiting bahagyang nagpakilala sa mga Pinoy kung sino ang Rivermaya, at kung ano sila sa mundo ng OPM. Sumunod pa ang ilan sa mga awit mula sa kanilang kauna-unahang album, tulad ng “Awit ng Kabataan”, at “214”, na nagsilbing patunay na mapa-ingles man o Tagalog, kaya pa rin nilang tamaan ang mga puso ng mga nakikinig sa kanila. Ang kanilang mga sumunod na album ay wala ring pinagkaiba sa nauna nilang mga nilikha; napakaganda pa rin ng mga mensahe ng mga awitin, gaya ng mga mensahe ng “Hinahanap-hanap Kita”, at “Himala,” Talagang iniba nila ang depinisiyon ng OPM Rock; hindi kailangang mabilis ang daloy ng kanta o malakas ang tunog ng mga gitara’t tambol para lumikha ng mga awiting astig na nakakabagbag-damdamin.

Sa mundo ng OPM Rock, walang mas magaling o pinakamagaling. Talagang kakaiba lang mga musikang nililikha ng iba’t ibang mga taong bumubuo sa mundong ito, at ganun and ipinatunayan ng Rivermaya. Maging Ely Buendia, Francis M., Dong Abay, Bamboo ka pa man o hindi, makagawa ka lang ng awiting galing sa puso’t isip, baka ikaw na ang maging susunod na idolo ng masa.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s