Mikey Bustos para kay Paolo Ortega

AM+DG

Paolo Ortega 9E

“Pinoy Kultura Tutorial”

 

Maraming Pilipino ang nagiging sikat mula sa paglalagay ng mga bidyo sa Facebook, o kaya sa Youtube. Maraming Pinoy ang nais ipakita ang kagandahan ng Pilipinas at ang ating kultura sa mga paraan na makakaugnay ang mga manonood. Tinatangkilik nila ang kulturang Pilipino sa mga paraan na madalas nakatatawa. Isang kilalang Pilipino na mahilig sa mga ganito ay si Mikey Bustos.

 

Isang Pilipino si Mikey Bustos na ipinanganak sa Western, Ontario, Canada. Kilala siya sa pagiging isang komediyante, mang-aawit, at aktor. Sumali at nanalo ng ikapitong puwesto si Mikey Bustos sa Canadian Idol Nagsimula ang career niya noong nagrekord siya kasama ni Glenn Swan ng Chung King Studios. Mula rito ay halos taun-taon na siya nagrerekord at nagtatanghal kasama ng ilang kumpanya o istudyo. Marami rin siyang natanggap na parangal at nakapagrekord kasama ng ilang kumpanya katulad ng BMG Music Canada at Vik Recordings para sa album ng mga kinanta niya sa Canadian Idol. Nanalo ito ng ginto sa Soundscan Billboard charts. Nakabenta rin ito ng higit 60,000 na kopya noong bago itong inilabas. Noong 2006, nagsimula si Mikey na magtanghal sa Pilipinas. Lumabas siya sa ilang kilalang palabas katulad ng MTV PH, Eat Buluga kung saan siya’y kumanta. Lumabas din siya sa ilang istasyon sa radyo bilang bisita. Mula noo’y nagsimula siyang gumawa ng mga bidyo tungkol sa kulturang Pinoy. Dito siyang kilala dahil karamihan sa mga bidyo na ginagawa niya ay pampatawa, pero nandiyan pa rin ang konspeto ng kagandahan ng kulturang Pinoy. Ilan sa kanyang pinag-uusapan ay tungkol sa Filipino Dining, Filipino CR, Filipino Christmas, at iba pa tungkol sa kulturang Pilipino. Gumagawa rin siya ng mga kantang pampatawa katulad ng kanyang patawa ng kantang “Born This Way” ni Lady Gaga, na pinangalang “Pinoy This Way.” Bukod dito, naging endorser din siya sa ilang lokal na produkto katulad ng Mang Juan’s Chicharon, Samsung, at Nescafe.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s