Lloyd Cafe Cadena by RV Ilagan

AM+DG
Vic Ruben L. Ilagan
9E 14
Lloyd at Komedya
Ano ba ang mga paborito mong panooorin? Ang komedya? Horror? Romantiko, o mga iba’t ibang klaseng dokyumentaryo? Kung komedya ang ‘yong hilig ito ang tamang lugar. Sino nga ba si Lloyd Cafe Cadena, kilala mo ba siya? Kung hindi, ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa nito.

Si Lloyd Cafe Cadena, tulad ng marami ay isang taong nangarap na makapagtapos, maabot ang kanyang mga pangarap at maging masaya. Siya ay 22 taong gulang na komedyante, “Youtube Sensation” na nakapagtapos ng Business Administration at Major ng Finanacial Manangement sa Colegio de San Juan de Letran-Manila. May ilang mga bagay na nagtulak kay Lloyd sa komedya: Sa una’y nababagot siya, at pampalipas oras lang niya ang pagpapatawa, ayon sa kanya. Ang isa pang dahilan ay ang kanyang pagiging “single” o walang kasintahan, na mas nagtulak sa kanyang magpatawa at humugot.

Ang pagpapatawa niya ay may kapilyuhan o kalokohan, ngunit may aral dito tulad ng “Kung sa pagkain ‘food trip’, sa lugar ‘field trip, pero sa mukha mo ‘bad trip’.” Ang mga tawag sa mga tulad nito ay “hugot”. Ang hugot ay mga hirit na may malalim na ibig sabihin o realisasyon. Nakkatawa nga naman talaga ang mga pagpapatawa at hugot ni Lloyd.

Maaring simple, mababaw o nakkatawa ang tingin mo kay Lloyd, pero siya’y isang napakagaling na komedyante; mabilis siyang nakakaisip ng mga bagong mga biro o hugot, at iba pa. Sana siya’y maging inspirasyon sa nakakaraming gustong maging mga komedyante, at sa pumupursiging maabot ang kanilang mga pangarap. Ikaw may ginawa ka na bang may halaga?
Sanggunian: http://www.gma.network.com

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s