Duterte by Diego

15 Diego Javier 9E

DUTERTE

 

Ngayon sa Pilipinas magkakaroon tayo ng bagong presidente. Ang posisyong ito ay importante sa pagpalaganap ng kaayusan ng bansang ito. Importante ang pagkakaroon ng maayos na presidente sa lahat ng bansa dahil kontrolado niya ang buong bansa. May kakayahan siyang gumawa ng sarili niyang batas na puwedeng makaayos ng bansa o nakasira ng bansa.

Maraming iba’t ibang kandidato para sa posisyong ito at isa rito ay si Rodrigo Duterte. Si Rodrigo Duterte ay kasalukuyang alkalde ng Davao at natapos niya ang kaniyang pag-aaral para maging alkalde. Tinapos niya and kaniyang sekundarya sa Holy Cross of Digos. Natapos niya ang kolehiyo sa San Beda para tapusin ang law school. Ang kaniyang pagiging alkalde ng Davao ay kilala sa kapayapaan dahil sa mga malupit na batas na kaniyang itinatag. Isa sa kaniyang kilala na batas ay ang “Liquor Ban” na ipinagbawal ang pag-inom ng alak sa mga oras na ika-1 ng umaga hanggang ika-8 ng umaga. Strikto din ang iba’t ibang mga batas sa pagmamaneho sa lugar na iyon. Magaling siyang pinuno dahil may iba’t ibang parangal na siyang natanggap. Isa sa mga parangal na natanggap niya ay ang “National Literacy Hall Of Fame”. Nakuha rin niya ang “Outstanding Local Government Highly Urbanized Category” nang tatlong beses.

Kapag nagkaroon tayo ng mahusay na presidente maraming maaaring mangyari. Maaayos ang lahat ng masasamang nangyari sa bansa. Magkakaroon ng kaayusan sa gobyerno at mawawala ang korupsyon na nasa loob nito. Sa aking palagay, si Duterte ay magiging isang mahusay na pinuno dahil sa kaniyang striktong ugali.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s