John Arcilla by Joaquin Custodio

Maraming magagaling at mahuhusay na aktor sa mundo. Sila Hugh Jackman, Leonaedo DiCaprio at Robert Downey Jr. ay isa sa mga halimbawa nito. Sa Pilipinas naman, mayroong rin tayong magagaling at mahuhusay na aktor. Sila John Lloyd Cruz, Piolo Pascual at Jericho Rosales naman ay mga halimbawa ng magagaling at mahuhusay na Pilipinong aktor. Iba sa kanila, nakakasama pa ng mga ibang mga aktor galling sa ibang bansa. Si John Arcilla ay isa sa mga nakagawa nito. Siya ay isang mahusay at magaling na aktor dahil sa mga nakamit niyang parangal, sa mga tinanghal niyang pelikula at sa mga nakasama niyang mga aktor.

            Maraming parangal ang nakamit ni John Arcilla ngayon, at noong bata pa siya. Ang mga nakamit niyang parangal noong bata pa siya ay naging “acting scholar” siya habang nag-aaral siya. Nagtapos siya sa Saint Joseph’s College of Quezon City bilang scholar ng “mass communications” at naging scholar din siya sa “Actor’s Workshop Foundation”. Sa kasalukuyan naman, nanalo siya ng gantimpalang “Best Supporting Actor” nang apat na beses at nakamit naman niya ang gantimpalang “Best Performance by an Actor in a Leading Role” ng dalawang beses. Dahil sa mga nakamit niyang mga gantimpala, tinawag siyang “multi-awarded Filipino actor” ng iba.

            Marami ring pelikula ang tinanghal niya pagkatapos niya sa pag-aaral. Ang Heneral Luna ay isa sa mga kilalang pelikula na tinanghal niya. Ito ang naging pinaksikat niyang pelikula na tinanghal niya. Ang naging karakter niya sa pelikulang ito ay si Heneral Luna. Dahil sa pagtanghal niya dito, siya ay naging sikat dito sa Pilipinas, at sa Amerika. Naging aktor rin siya sa Amerikanong pelikua “The Bourne Legacy”.Ang pelikulang ito ay isinagawa sa Pilipinas kaya nagkaroon siya ng oportunidad na magtanghal sa dito. Ang naging karakter niya sa pelikula ay isang Pilipinong “security guard” ng isang paggawaan. Dahil sa dalawang pelikulang ito, ang pangalan niya ay naging sikat at marami ang nakapansin sa kanya.

                May mga ibang aktor rin na nakasama si John Arcilla sa kanyang pagtatanghal. Si Jeremy Renner ay kabilang dito. Si Jeremy Renner ay isng sikat na Amerikanong aktor na naging kasama niya sa pelikulang “The Bourne Legacy”. Sa isang “interview” kay Jeremy Renner, nabanggit doon na natuwa si Jeremy Renner sa pagtanghal ni John Arcilla bilang isang Pilipinong “security guard”. Dahil din kay Jeremy Renner, naging mas sikat si John Arcilla.

            Si John Arcilla ay may anking galing sa patatanghal kaya siya naging sikat. Minahal niya ang pagtatanghal kaya halos buong buhay niya ay inalay niya sa pagtatanghal. Dahil sa dedikasyon niya para dito, naging sikat siya hindi lamang sa Pilipinas, pati na rin sa Amerika. Siya ay masasabing isang magaling at mahusay na Pilipinong aktor dahil sa lahat ng mga gantimpalang nakamit niya,pelikulang tinanghal niya at mga aktor na nakasama niya sa“ acting carrer” niya at para na rin sa Pilipinas.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s