Ang AlDub sa pagkakaalam ni J

Ang AlDub ay isa sa mga pinakatanyag na tambalan sa telebisyon ngayon. Ito ay binubuo nina Alden Richards at Maine Mendoza o mas kilalang bilang Yayadub. Sumikat ang “loveteam” na ito sa “Kalyeserye” ng Eat Bulaga araw-araw tuwing hapon.

 

Maraming nangyari sa loob ng anim na buwan sa live na Kalyeserye. Nagkaroon na ito ng fanpage na sikat sa Pilipinas at sa buong mundo na tinatawag na “Aldub Nation”. Napuno din ang Philippine Arena ng 55000 fans ng AlDub.

 

Marami din ang kinilig sa istorya ng Kalyeserye. Nagsimula ito sa kagustuhan ni Alden makipagkita sa pabebeng Yayadub (Maine) pero hinadlang ni Lola Nidora,ang tumatayong nanay ni Maine. Pagkatapos ng mga pagsubok ni Lola Nidora, naipakita ni Alden ang kaniyang determinasyon kaya hinayaan na lang ni Lola na magkita ang dalawa. Pagkatapos nilang magkatuluyan, marami ang sumisira sa kanilang relasyon na mga kontrabida. Katulad ng Lola ni Alden,Chris, at si Frankie.

 

Dahil sa istorya at sumusubaybay sa Kalyserye, tinambakan nila ang ibang network sa rating sa hapon at sa takilya. Ang 44.3% ng tao sa Metro Manila ay mas-mahilig manood ng Eat Bulaga kaysa sa Showtime. Tinalo din ng “My Bebe Love”,na ang bida ang AlDub, ang ibang palabas sa sine noong Metro Manila Film Festival.

 

 

Talagang sumikat ang AlDub sa telebisyong Pilipino para sa tamang rason. Ito ay naging pinakamabilis na Twitter sensation sa loob ng labing-dalawang oras. Ito rin ay nagtuturo ng mahalagang aral sa pag-ibig. Nagtuturo ito sa manunuod na maghintay sa tamang panahon sa pagmamahal.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s